Manila, Philippines – Para kay Committee on Public Services Vice Chairman Senator JV Ejercito, isang magandang batas ang Anti Distractred Driving Act o ADDA na sinimulang ipatupad kahapon.
Dahil dito ay hinikayat ni Ejercito ang mga motorista na makipagtulungan para maging epektibo ang implementasyon ng nabanggit na batas.
Paliwanag ni Ejercito, ang batas na yan ay para sa kaligtasan ng mga motorista at layuning maiwasan ang aksidente sa lansangan dulot ng paggamit mg cellphpne o anumang electronic gadget habang nagmamaneho.
Si Senator Ejercito ay isa sa mga kumwestyon sa naunang inilabas na Implementing Rules and Regulations o IRR ng nasabing batas.
At sa bagong IRR ng ADDA ay hiniling ni Ejercito sa lahat na bigyang pagkakataong naturang batas na maipatupad muna at tingnan na lang kung mayroon pang magiging problema at kung ano pa ang mga dapat baguhin para ito ay mas maging epektibo.