Sen. Erwin Tulfo, haharapin ang petisyon laban sa kanya sa senate electoral tribunal

Nakahanda si Senator Erwin Tulfo na harapin ang quo warranto petition na inihain sa kanya sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Sa pagdinig ng budget ng SET, ipinakita rito ang slide presentation na nagsasaad na may kinakaharap na quo warranto petition si Sen. Erwin ukol sa isyu nito sa citizenship.

Ayon kay Tulfo, batid niya na may nakabinbin na ganitong kaso sa SET laban sa kanya at handa siyang harapin ito.

Sinabi ng senador na iisang tao o ang disbarred lawyer na si Berteni Cataluna Causing ang naghain din sa kanya noon ng disqualification case noong kampanya kaya hindi na rin siya nagulat sa nalaman ngayon.

Umaasa ang senador na matatapos din ang isyu dahil lahat naman ng disqualification cases na inihain laban sa kanya ay naibasura.

Facebook Comments