
Bukas din si Senator Erwin Tulfo na permanenteng pamunuan ang Senate Blue Ribbon Committee.
Sa ngayon kasi ay acting chairman muna ito ng komite habang wala pang tumatanggap sa pwesto mula sa mga senador na pinagpipilian na kapalit ni Senate President pro-tempore Ping Lacson.
Pero ayon kay Tulfo, kung talagang wala sa mga senador na inalukan ng pwesto ang tatanggap ay kukunin na niya ang Chairmanship.
Gayunman, naniniwala si Sen. Erwin na imposibleng walang tatanggap lalo’t maraming mga senador ang magagaling at beterano na sa pagiimbestiga.
Sa ngayon aniya, habang wala pang Chairman ang BRC ay pumayag siyang mag-acting chairman pero kung lumipas na ang mga linggo at magsasagawa na ulit ng pagdinig ay mapipilitan na siyang maupo bilang acting BRC Chairman.









