
Nilinaw ni Senator Erwin Tulfo na wala siyang plano na tumakbo sa mas mataas na posisyon tulad ng Bise Presidente sa 2028 national elections.
Kasunod na rin ito ng mga pahayag ng ilang political analyst na maaaring ipantapat ang tambalang dating Vice President at ngayo’y Naga Mayor Leni Robredo at Tulfo kay Vice President Sara Duterte sa 2028.
Nababahala si Tulfo na kapag tumakbo siya sa pagka-bise presidente ay tiyak na hahanapan na naman siya ng butas at posiblebg buhayin ang mga kaso na nadesisyunan na ng Korte Suprema.
Sinabi pa ng senador na pagod na rin ang kanyang pamilya sa mga kinaharap na patong-patong na kaso noong 2025 matapos na tumakbong senador.
Iginiit ng mambabatas na maraming mahuhusay na pwedeng kumandidato sa pagka-bise na maaaring katambal ni dating VP Leni tulad nina Senators Bam Aquino at Risa Hontiveros.










