Saturday, February 21, 2026

Sen. Erwin Tulfo, makikipagpulong sa ambassador ng Chinese Embassy sa Lunes

Nakatakdang makipagpulong si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senator Erwin Tulfo sa ambassador ng Embassy of China in the Philippines.

Ayon kay Tulfo, sa Lunes ang kanilang pulong na inasikaso ng Department of Foreign Affairs.

Noong nakaraang linggo, iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na magdayalogo ang mga senador at ang ambassador.

Kasunod ito ng pahayag ng ambassador na bukas siya sa pakikipag-usap.

Isa si Tulfo sa mga senador na mariing kumondena at kumastigo sa pambabatikos ng Chinese Embassy sa ilang senador at iba pang opisyal ng bansa na nagtatanggol sa soberanya at teritoryo nito.

Nang maging chairman ng Foreign Relations Committee at makipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, sinabi ni Tulfo na hihikayatin niya ang mga kapwa senador na bawasan ang pagbira sa China.

Facebook Comments