Sen. Erwin Tulfo, may nakabinbing quo warranto petition sa SET

Nanganganib na matanggal sa public office si Senator Erwin Tulfo matapos na matuklasan sa pagdinig ng budget ng Senate Electoral Tribunal (SET) na may inihain sa senador na quo warranto petition.

Sa pagdinig ay binanggit ni SET Eleanor Francisco-Anunciacion ang impormasyon na may quo warranto petition laban sa isang myembro ng Senado na inihain noong Hulyo 15, 2025 dahil sa isyu ng citizenship.

Pero hindi naman pinangalanan o binanggit ni Anunciacion kung sinong senador ito.

Gayunman, sa slide presentation ng SET, nakasaad dito ang inihain ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluna Causing na quo warranto case laban kay Senator Erwin Tulfo.

Nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa SET ang naturang petisyon at kasalukuyang isinasailalim sa preliminary actions salig sa procedures at rules ng tribunal.

Wala pang reaksyon si Sen. Erwin sa quo warranto petition laban sa kanya.

Facebook Comments