Manila, Philippines – Itinanggi ni Sen. Francis “Chiz”Escudero na sya ang nagmungkahi sa University of the Philippines o UP Board ofRegents na pagkalooban ng honorary degree si President Rodrigo Duterte.
Pero diin ni escudero, hindi niya tinututulan angnasabing pagkilala na hindi naman tinanggap ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Escudero, bahagi na ng tradisyon ng UP na bigyanng honorary degree ang mga nagiging pangulo ng bansa, Chief Justice at SenatePresident.
Ang nabanggit na pagkilala aniya ay ibinibigay kapaginimbitahan ang mga ito na maging commencement speaker.
Dagdag pa ni Escudero, base sa mahabang kasaysayan ng UPay madalas din na nagiging kontrobersyal ang pagaalok ng UP ng honorary degree.
Ang sabi naman ng UP alumnus na si Sen. Sonny Angara, angnabanggit na pagkilala ng UP ay inioffer din noon kina dating pangulong JosephEstrada, Gloria Macapagal Arroy, at Noynoy Aquino.
Pinagdebatehan aniya noon ng matindi ang nabanggit anoffer na parangal sa mga dating pangulo ng bansa.
Gayunpaman, para kay angara, praktikal lang na gawin itong UP dahil naka depende ito sa suporta ng pamahalaan.
Sen. Escudero, itinanggi na sya ang nagsulong na bigyan ng UP ng honorary degree si PDU30
Facebook Comments