Sen. Escudero, tinapyasan umano ng kabuuang P110-million ang pondo para sa PhilHealth, DepEd ICT, fertilizer aid, flagship projects, at teacher hiring

Isinumbong noon kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ni dating Congressman Elizaldy Co na tinapyasan ni dating Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga pondong nakalaan sa para sa PhilHealth, Department of Education, at Department of Agriculture.

Sa liham kay PBBM ni Co noong February 2025 bilang dating chairman ng House Committee on Appropriations ay nakasaad na bahagi ito ng insertions ni Escudero sa 2025 budget.

Ayon kay Co, umabot sa mahigit ₱109.592-billion ang halagang pinatapyas ni Escudero mula sa nabanggit na mga ahensya ng sumalang ang proposed 2025 budget sa Bicameral Conference Committee.

Kasama aniya sa tinapyas ang ₱74-billion na subsidy para sa PhilHealth gayundin ang mga pondo para sa pagtatayo ng mga classrooms, hiring ng mga guro at computerization program ng DepEd, at para sa fertilizer voucher project ng Rice Program ng DA.

Binanggit ni Co na para mabuo naman ang ₱200-billion na share ng Senado ay tinapyasan ni Escudero ang pondo para sa flagship projects ng administrasyon.

Dagdag pa ni Co, may ₱150-billion din na pinalaan si Escudero sa ilalim ng unprogrammed funds kabilang ang ₱145 billion na napunta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ₱5-billion sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program at ₱50-billion sa iba pang mga ahensya.

Facebook Comments