Sen. Francis Pangilinan, napiling running mate ni VP Leni Robredo sa 2022 elections

Pinangalanan na ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang running mate matapos siyang magdeklara bilang kandidato sa pagka-presidente sa 2022 presidential election.

Kinumpirma ng kampo ni Robredo ang pagkakapili kay Sen. Francis Kiko Pangilinan bilang kaniyang running mate.

Ang pagkakapili kay Pangilinan ay ibinase raw sa malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor bago pa man ang anunsyo kaninang umaga ni Robredo.


Ikinatuwa naman ng grupong 1Sambayan ang desisyon ni Robredo na kuning running mate si Pangilinan.

Ang karanasan daw nito sa Senado at kaalaman sa agrikulura ay malaking ambag para sa bansa.

Facebook Comments