Sen. Francis Tolentino, handa pa rin na magbigay ng legal advice kay Sen. Bato dela Rosa

Handa pa rin si Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino na magbigay ng tulong legal para kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nahaharap sa banta ng pagaresto ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang naunang nabanggit noon ni Tolentino na siya ang tatayong legal counsel ni Dela Rosa sa ICC.

Subalit ngayon ay may lumabas na pinalitan na siya ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque bilang abogado ng senador.


Ayon kay Tolentino, hindi pa rin sila nagkakausap ni Dela Rosa mula nang mangyari ang naging pagaresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, sakaling hingiin ni Dela Rosa ang tulong ni Tolentino, sinabi ng Majority Leader ng Senado na bukas ang kanyang cellphone para sa tawag ni Sen. Bato at handa siyang magbigay ng kanyang personal na legal advice sa kapwa mambabatas.

Facebook Comments