Sen. Franklin Drilon, nilinaw na wala siyang utang loob sa mga Lopez; Pagsusulong ng Anti-Dynasty Law, walang kinalaman sa pamilya ni Pangulong Duterte

Nanindigan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala siyang utang loob sa pamilya Lopez.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Drilon na wala siyang pagkakautang sa Lopezes at hindi siya tumatayo para sa mga ito, kundi ang kapakanan lamang ng 11,000 manggagawa ng kompanya at ang freedom of the press ang kanyang iniisip.

Sa katunayan aniya, may ilang election ads din siya na hindi na-iere ng ABS-CBN noong 2016 Presidential Election.


Nilinaw din ni Drilon na hindi niya tinukoy ang pamilya Duterte sa pagsusulong ng Anti-Dynasty Law.

Una nang bumungad sa ika-limang State of the Nation Address kahapon ang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Drilon na umanoy tagapagtanggol ng pamilya Lopez.

Facebook Comments