Sen. Gatchalian, duda na puno na talaga ang mga pribadong ospital dahil sa COVID-19 patients

Pinapaberipika ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Health (DOH) ang sinasabi ng mga private hospital na halos puno na sila ng pasyente.

May impormasyon si Gatchalian na may ilang pribadong ospital ang nagsisinungaling umano para hindi sila ma-obligang tumanggap ng maraming pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Sabi ni Gatchalian, kanilang nadiskubre na may mga ospital na hindi sinusunod sa regulasyon ng DOH na paglalaan ng 30% ng kanilang bed allowance para sa COVID-19 patients.


Inihalimbawa ni Gatchalian ang nabuking nilang private hospital sa Valenuzuela na hindi sumusunod at nagbibigay pa ng iba’t ibang rason dahil ayaw tumanggap ng COVID-19 patients.

Binanggit pa ni Gatchalian na may nakita silang trend sa mga pribadong ospital kung saan pinapalabas ng mga ito na mababa ang kanilang bed capacity para kaunti lang din ang mailaan sa COVID-19 patients.

Giit ni Gatchalian, dapat itong i-validate ng DOH para hindi umapaw ang mga pampublikong ospital sa mga pasyenteng nahawaan ng virus.

Facebook Comments