Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Department of Justice o DOJ na sikaping walang magiging butas o isyu ng teknikalidad sa isasampang kaso laban sa mga sangkot sa pagkamatay ni Horacio Atio Castillo III matapos sumailalim sa hazing noong Sept. 17.
Diin ni Gatchalian, naging malinaw sa pagdinig ng senado ang buong detalye ng krimen kaya malakas ang kaso at matitibay ang mga ebidensya.
Gayunpaman, sinabi ni Gatchalian na kailangang maging maingat ang DOJ upang walang mahanap na butas sa kaso ang mga suspek na pawang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Ayon kay Gatchalian, dapat tiyakin ng DOJ na mabibigyan ng hustisya si Atio sa pamamagitan ng pagpapanagot sa lahat ng nasa likod ng kanyang pagkamatay.
Facebook Comments