Sen. Gatchalian, nakakatanggap ng mga mensahe at mga gustong tumestigo laban kay Bamban Mayor Alice Guo

Inamin ni Senator Sherwin Gatchalian na may mga natatanggap siyang mensahe at may mga gustong tumestigo tungkol sa koneksyon ni Bamban Mayor Alice Guo sa POGO Hub sa Tarlac.

Ayon kay Gatchalian, marami siyang natatanggap na texts patungkol sa pagkatao ng alkalde at sa kaugnayan nito sa POGO mula sa mga kakilala at hindi kakilala at mayroon ding galing mismo sa ilang mga taga-Bamban, Tarlac.

Magkagayunman, nais din nilang maging patas kay Guo kaya lahat ng mga impormasyong dumarating sa kanila ay inaaral nila ng husto.


Sinabi ni Gatchalian na mismong siya ay personal niyang sinusuri ang mga dokumento at impormasyon at pinipili lamang niya kung alin ang talagang may sense at may ebidensya.

Aminado rin ang senador na habang inaaral ang mga dokumento, hindi ito nagtutugma sa mga naging pahayag ni Guo sa pagdinig kamakailan ng mataas na kapulungan.

Facebook Comments