Sen. Gatchalian, umapela sa Bicam na lagyan ng pondo ang Bahay Pag-asa sa 2019 budget

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian ang paglalagay ng pondo sa 2019 budget para sa mga Bahay Pag-asa sa buong bansa.

Apela ito ni Gatchalian sa mga senador at kongresista na bumubuo sa Bicameral conference committee para sa 2019 budget.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng inihayag ng Juvenile Justice and Welfare Council na umaabot lang sa 58 ang Bahay Pag-asa sa buong bansa.


Sabi pa ng council, hindi maayos ang operasyon ng nabanggit na mga Bahay Pag-asa at wala ding mga nakalatag na programa para sa rehabilitasyon ng mga menor de edad na nakagagawa ng paglabag sa batas.

Base sa computation ng council ay kailangan ng 840 million pesos para pagtatayo ng dagdag pang mga Bahay Pag-asa.

Mahigit 2 bilyong piso naman ang kailangan para sa operasyon ng kasalukuyan at itatayo pang Bahay Pag-asa na may kabuuang bilang na 114.

Facebook Comments