Sen. Gordon at Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, Namahagi ng tulong sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang ika-12 Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa lalawigan ng Isabela ngayong araw.

Pinangunahan ito ni Senator Richard Gordon, Chairman ng PRC kasama rin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagpaabot din ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa probinsya.

Ayon kay Senador Gordon, inaasahang sa susunod na linggo ay operational na ang laboratory at kayang magtest ng mga specimen sample na magmumula sa mga karatig na lalawigan ng Cagayan, Ifugao, Kalinga at Apayao.


Aniya, pumasa na sa Department of Health (DOH) proficiency test ang laboratoryo habang hinihintay nalang ang license to operate.

Namahagi naman ng P100,000 si MUP 2020 Rabiya Mateo para sa mga naapektuhan ng pagabha sa probinsya.

Habang namahagi rin ng food at non-food relief ang senador bilang tugon sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha.

Samantala, nag-ikot din si Senador Gordon sa lalawigan ng Cagayan na labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Una nang nagpadala ng mga tauhan ng PRC si Sen. Gordon sa lalawigan ng Cagayan para tumugon sa malawakang pinsala ng kalamidad.

Ang Molecular Laboratory ay may dalawang laboratory machine maaaring makapagsagawa ng RT-PCR swab Test ng 2,000 na specimen sample sa loob ng 24 na oras.

Facebook Comments