Sen. Gordon, bukas na maimbestigahan sa Senado ang pork barrel scam

Manila, Philippines – Bukas si Sen. Richard Gordon na muling buksan ang isyu ng pork barrel scam kung mayroong makikitang mga bagong ebidensya hinggil dito.

Ayon kay Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee – hindi siya basta na lang sasali sa re-investigation kung wala namang bagong mga ebidensya.

Masasayang lang aniya ang oras ng senado kung wala namang mga bagong mapag-uusapan.


Samantala, tumanggi ang abogado ni pork barrel queen Janet Napoles na kumpirmahin ang sinabi ni dating Cong. Jacinto Paras tungkol sa napag-usapan nila ng kanyang kliyente.

Ayon kay Atty. Stephen David, hindi niya pwedeng ibunyag ang anumang impormasyon dahil sa umiiral na lawyer-client privilege.

Gayunman aniya, may kredibilidad si Paras.
DZXL558

Facebook Comments