Kinastigo ni Sen. Richard Gordon ang China dahil sa pamamalagi ng napakaraming Chinese vessels sa paligid ng Pag-asa Island.
Sabi ni Gordon, ang hakbang na ito ng China ay hindi tugma sa nauna nilang pahayag na sila ay kaibigan ng Pilipinas.
Giit pa ng senador, hindi maituturing na kaibigan ang China na nagpapadala ng sangkaterbang tropa ng sundalo at navy sa Pag-asa Island para lang gipitin ang mga Pilipinong mangingisda sa mismong teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Una nang sinabi ng China na ang namataang barko sa lugar ay mga civilian ship na karamihan ay mga fishing vessel.
Samantala, pinuri naman ni Gordon si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa paghahain ng diplomatic protest kaugnay ng hakbang ng China.
Facebook Comments