Sen. Grace Poe, dismayado sa naisip na solusyon ng NGCP sa problema sa kuryente sa Panay Island

Dismayado si Senator Grace Poe sa naisip na solusyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na rotational brownout para sa problema sa suplay ng kuryente sa Panay Island.

Ayon kay Poe, bagama’t makakatulong ang rotational brownout na maiwasan ang tuluyang pagpalya ng mga planta at pag-collapse ng grid pero mas kailangan ng proactive na solusyon mula sa nagiisang power transmission operator.

Giit ng senadora, hangga’t may delay ay mananatiling walang seguridad sa suplay ng kuryente hindi lamang sa Panay kundi sa buong bansa.


Muling ipinanawagan ni Poe na madaliin na ng NGCP ang pagtatayo ng Cebu-Panay-Negros project at ng iba pang power transmission projects.

Pinasisilip din ng mambabatas sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang limitadong visitational powers ng NGCP na dahilan kaya hindi epektibong nababantayan ang mga planta.

Pinabibigyan din ang publiko ng tiyak na timeline kung gaano katagal mararanasan ang krisis lalo na sa Panay kung saan naroon ngayon ang pinakaproblemadong power supply sa bansa.

Facebook Comments