Sen. Grace Poe, hindi na makapapayag kapag in-extend pa ang SIM registration

Hindi na papayag si Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe na magkaroon pa ng isang extension para sa SIM registration.

Sa July 25 nakatakda ang deadline ng SIM registration para sa mga existing o dati nang SIM users at pagkatapos nito ay automatic na made-deactivate ang mga hindi naihabol sa huling araw ng registration.

Inihalintulad ni Poe ang deadline ng SIM registration sa pagsusulit ng isang estudyante kung saan “pass your papers” na at wala nang ibibigay na extension.


Aniya, hindi na siya papayag kapag humirit pa ng panibagong pagpapalawig ng SIM registration dahil wala nang maniniwala sa layunin ng batas kung panay extension na lamang ang kanilang gagawin.

Tiwala si Poe sa pagbaba ng krimen tulad ng mga scams, phishing, at iba pa gamit ang mga SIM dahil ngayon ay may mga guidelines na sa pagbabantay ng mga krimen dito.

Facebook Comments