Sen. Grace Poe, iminungkahi sa gobyerno na repasuhin ang PUV Modernization Program

Hiniling ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na samantalahin ng gobyerno na i-review ang PUV Modernization Program (PUVMP) habang ipinapatupad ang ibinigay na tatlong buwang para sa PUV consolidation.

Ayon kay Poe, ang bahagyang pagpreno sa implementasyon ng PUVMP ay malayo pa sa tunay na layunin nito lalo’t nakasalalay rito ang kapakanan ng mga commuters at kabuhayan ng libu-libong mga driver.

Napatunayan aniya na ang mataas na halaga ng mga bagong PUV ay malaking hadlang para sa ganap na rollout ng modernization na hindi dapat balewalain ng pamahalaan.


Gayundin, dapat aniyang aralin ang viability ng programa dahil sa mga napaulat na mga nakatenggang units at hindi nabayarang utang ng mga consolidated groups.

Iminungkahi ni Poe na maging bukas ang mga transport official sa mas mababang halaga ng alternatibong PUV tulad ng rehabilitasyon ng mga jeepneys na maituturing na roadworthy pa naman at maaari pang gawing environmentally-compliant.

Paalala ng mambabatas, ang modernisasyon ay dapat tungkol sa pagbabago ng transportation landscape para gawin itong mas ligtas at mas maaasahan para sa mga commuters at dapat din ay sustainable para sa mga drivers at operators.

Facebook Comments