Dapat tutukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng pambabangga ng isang foreign vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.
Ito ang panawagan ni Senador Grace Poe sa Kapihan sa Manila Bay Forum ngayong araw.
Ayon kay Poe, dapat malaman ang dahilan ng naturang insidente dahil mainit na ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Dapat din aniyang umaksyon ang Pilipinas kung ito man ay sinadya.
Nauna nang kinumpirma ng PCG ang nangyaring pagbangga ng unidentified foreign vessel sa naka-angklang Pinoy fishing vessel kung saan namatay ang tatlong crew members ng bangka kabilang ang kapitan nito.
Facebook Comments