Sen. Grace Poe, itinangging siya ang susunod na DTI secretary

Itinatanggi ni Senator Grace Poe na siya ang susunod na kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) kapalit ni outgoing Trade Secretary Alfredo Pascual.

Matapos nga ang pagbibitiw ni Pascual sa pwesto ay lumutang ang pangalan ni Poe na siyang papalit na DTI secretary.

Direktang pinabulaanan ni Poe na may kumausap sa kanya para maging susunod na kalihim ng ahensya.


Sa ngayon aniya ay mas tinututukan niya ang trabaho sa Senado bilang Chairperson ng Senate Committee on Finance upang matiyak na magiging maayos ang isasagawang pagdinig sa budget.

Sakali mang may kakausap sa kanya para ikunsidera ang posisyon, sinabi ni Poe na pribilehiyo para sa kanya ang pagtulong sa kahit anumang paraan pero mas nais niyang tutukan ang kanyang trabaho sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments