Sen. Grace Poe, nanawagan ng donasyon para sa mga bahay-ampunan

Inihayag ni Senadora Grace Poe ang kahalagahan ng pagtulong sa mga orphanage tulad ng Concordia Children’s Services.

Sa kanyang pagdalo sa ika-40 anibersaryo ng Concordia, pinapurihan ito ni Poe sa pagsagip sa libu-libong mga bata lalo na ang mula sa mga mahihirap na pamilya.

Ikinalugod din ni poe ang pagkakapasa ng ra 11767 o An Act Promoting the Rights of and Providing Greater Protections to Deserted or Abandoned Children with Unknown Parents.


Sa ganitong paraan aniya ay mababawasan na ang proseso ng pag-adopt ng mga bata.

Tiniyak din ni Poe na makikipag-ugnayan siya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paglalaan ng budget sa mga orphanage.

Facebook Comments