Sen. Gringo Honasan At Siyam Na Iba Pa, Pinakakasuhan Sa Sandiganbayan

26

MANILA – Pinakakasuhan ng graft sa Sandiganbayan si Sen. Gregorio Honasan dahil sa maling paggamit sa mahigit P29 million na pork barrel fund noong 2012.Bukod kay Honasan, pinakakasuhan din ng Ombudsman ang siyam na iba pa.Kabilang dito si National Council of Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Mehol Sadain, Political Affairs Michael Benjamin at iba pang opisyal ng NCMF.Sa imbestigasyon, inaprubahan ng senador ang paglaan ng kaniyang pork barrel sa pekeng Non Government Organization para sa implementasyon ng Small and Medium Enterprise at livelihood projects para sa mga Muslim community sa National Capital Region.Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nabigo ang senador na magsumite ng kaniyang counter affidavit sa kabila ng kanilang kautusan.

Facebook Comments