Manila, Philippines – Kinatigan ni Committee on National Defense and Security Chairman senator Gringo Honasan ang pasya ng armed forces of the philippines na huwag ng magtakda ng deadline sa pagresolba sa krisis sa marawi.
Una na ng nagtakda ng target date ang AFP para mabawi ang marawi sa maute terror group pero hindi ito nakamit.
Katwiran ni Honasan, hindi praktikal na magtakda ng deadline sa pagresolba sa isang kaguluhan na walang physical front lines o boundaries.
Paliwanag ni Honasan, ang terorismo na inihahasik ng Maute Group ay mga ideyolohiya na dapat labanan ng mas magaling na ideas.
Sabi ni Honasan, ang pakikibaka sa terorismo ay dapat sabayan ng mahusay na pamamahala sa gobyerno kaakibat ang maayos na koordinasyon ng mga ahensiya at departamento nito.
Binigyan diin pa ni Honasan na ang paglaban sa terorisno ay hindi lang dapat ipaubaya sa aksyon ng militar dahil mahalaga din dito ang suporta ng mamamayan.
“It is not practical to set deadlines for a conflict that has no physical front lines or boundaries because terrorism Islamic state and fundamentalism are ideas that must be fought w better ideas like good govt better coord coop among all agencies depts. institutions of govt. with the support of the people, and not by military action only,” pahayag ni Honasan.