Sen. Hontiveros, bumuwelta sa Chinese embassy

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na mas kalokohan at mas iresponsable ang patuloy na panghihimasok ng china sa West Philippine Sea, na teritoryo ng Pilipinas.

Bwelta ito ni Hontiveros sa sinabi ng Chinese embassy na kalokohan at iresponsable ang kanyang iginiit na ipabalikat sa china ang gastos ng pilipnas sa COVID-19 crisis.

Pinanindigan ni Hontiveros ang una niyang sinabi na dapat pagbayarin ang China ng danyos para sa pagkasira ng reef ecosystem sa West Philippine Sea na umaabot na sa mahigit 200 bilyong piso o 33.1 billion pesos kada taon.


Mariin ding kinontra ni Hontiveros ang sinabi ng Chinese embassy na friendly neighbors ang China at Pilipinas kung saan tumutulong daw ang China sa paglaban ng bansa sa covid19.

Diin ni Hontiveros, hindi maituturing na friendly neighbor ang China na patuloy na nagsasagaw ng reklamasyon sa West Philippine Sea kahit sa gitna ng pandemic ngayon.

Facebook Comments