Sen. Hontiveros, hinamon si Aguirre na mag-inhibit sa kaso ni Kian delos Santos

Manila, Philippines – Nanawagan si Senador Risa Hontiveros kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mag-inhibit sa pag-imbestiga sa pagkakapaslang kay Kian delos Santos.

Ayon kay Hontiveros, nawalan na ito ng kredibilidad na mag-imbestiga sa kaso.

Hindi rin papayag ang Senadora na aregluhin ang kaso ng binatilyo.


Nanawagan din si Hontiveros na itigil na ng Department of Justice (DOJ) ang alok na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang tatlong mga testigo sa pagpatay kay Kian.

Mas mainam din aniya na ang Ombudsman na lang ang mag-imbestiga rito.

Facebook Comments