![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/TEENAGE-PREGNANCY-2-1.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Inamin ni Senadora Risa Hontiveros na kulang ang pagpapatupad ng Responsible Parenthood Law para mapigilan at mapababa ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Iginiit ito ni Hontiveros matapos sabihin ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi na kailangan pang magpasa ng bagong batas para talakayin ang childhood pregnancies.
Ito ay sa gitna ng umiiral na Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012.
Ayon kay Herbosa, kailangan lamang maipatupad ng tama ang batas.
Pero giit ni Hontiveros, ang Department of Health (DOH) din naman ang nagpapatupad ng responsible parenthood law na kulang sa tamang implementasyon.
Naniniwala ang senadora na ang kanyang isinusulong na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ay makatutulong para mapunan ang butas sa umiiral na batas sa paglaban sa childhood pregnancies.