Hiniling na ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapaaresto ng Senado kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang hindi nito pagdalo sa imbestigasyon ng Senado ngayong araw sa kabila ng pagpapasubpoena rito.
Nagpadala ng liham ang pastor sa komite ni Hontiveros sa pamamagitan ng legal counsel nito at hinihiling ang pagsasantabi sa subpoena na inisyu laban kay Quiboloy dahil ito anila ay paglabag sa fundamental at sacred constitutional rights ng kanyang kliyente laban sa self-incrimination at presumption of innocence hanggang sa mapatunayang guilty.
Agad na nagmosyon si Hontiveros na ipa-cite in contempt si Quiboloy dahil ang pastor ay lumalabag sa kapangyarihan ng mataas na kapulungan sa paglulunsad ng imbestigasyon.
Magkagayunman, tumutol naman si Senator Robin Padilla sa pagpapa-contempt kay Quiboloy.
Binigyan naman ni Hontiveros ng pitong araw si Padilla para ma-overturn o mabawi ang mosyon na ipa-cite in contempt si Quiboloy salig na rin sa Section 18 rules ng Senado.