Sen. Hontiveros, maghahain ng complaint sa NBI para imbestigahan ang kumalat na video hinggil sa pagbabayad sa testigo laban kay Quiboloy

Nakatakdang maghain ng reklamo ngayong alas-11:00 ng umaga sa National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Risa Hontiveros.

Ito’y para para imbestigahan ang mga personalidad na responsable sa viral video ng former Senate witness na si Michael Maurillo.

Sa nasabing video, sinabi umano ni Maurilio na binayaran siya ni Senator Risa para tumestigo laban kay Apollo Quiboloy, ex-President Rodrigo Duterte, at Vice President Sara Duterte.

Una nang sinabi ni Hontiveros na lalo lamang lumalakas ang findings at recommendations ng imbestigasyon ng kaniyang komite laban kay Apollo Quiboloy kasunod ng pagkalat ng video.

Facebook Comments