Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution Number 369 na humihikayat sa malakanyang na pagbayarin ang Chinese government sa ginawang pinsala sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Hontiveros sa resolusyon na hindi tayo kolonya ng China kaya panahon na para patigilin ang patuloy nitong aktibidad sa West Philippine Sea at singilin sa pinsalang ginawa sa ating reef ecosystems.
Tinukoy ni Hontiveros na base sa pagtaya ng University of the Philippines Marine Science Institute, ay umaabot na sa Php 33.1 billion ang halaga ng nasira ng China sa ating mga reefs sa Scarborough shoal at Spratly islands.
Diin ni Hontiveros, mahigit anim na taon ng pinipinsala ng China ang ating ecosystems kaya aabot na sa mahigit 200-billion pesos ang dapat nitong bayaran.
Ayon kay Hontiveros ang salaping ibabayad ng China ay pwede nating gamitin na pantugon sa COVID-19 crisis.