Sen. Hontiveros, nangangambang maabswelto din sa Napoles at sa iba pang akusado sa plunder cases

Manila, Philippines – Ikinalungkot at ikinaalarma ni Senator Risa Hontiveros angpagpapawalang-sala ng Court of Appeals kay Janet Lim Napoles sa kasong seriousillegal detention.
  Ayon kay Hontiveros, sa ilalim ng Duterte administrationay hindi imposible na malusutan din ni Napoles at mga kapwa akusado ang multi-bilyong pisong pork barrel scam cases.
  Ipinunto ni Hontiveros, na sa pag abswelto kay Napoles aypinahina ang kredibilidad ni Benhur Luy na testigo din sa mga kasongpandarambong na kinakaharap nito.
  Binatikos din ni Hontiveros ang pagtulong kay Napoles ngmismong abogado ng gobyerno na si Solicitor General Jose Calida.
  Puna pa ni Hontiveros, malamya sa korapsyon ang Duterte administrationna taliwas sa anti-corruption promise ni Pangulong Rodrigo Duterte.
  Patunay aniya nito ang pagpapawalang sala kay dating PangulongGloria Arroyo sa mga plunder cases at pagbibigay ng hero’s burial kay dating PangulongFerdinand Marcos.
 
   

Facebook Comments