Sen. Hontiveros, sinang-ayunan ang pahayag ni PBBM na humarap na sa pagdinig ng Senado si Pastor Apollo Quiboloy

Sa pambihirang pagkakataon ay sumang-ayon si Senator Risa Hontiveros sa payo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na humarap ito sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Hontiveros, sang-ayon siya sa payo ni Pangulong Marcos na dapat na humarap sa imbestigasyon ng Senado si Quiboloy at ang pastor na lamang din ang hinihintay ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Umaasa ang senadora na dahil ang presidente na ang nanawagan kay Quiboloy na dumalo sa pagdinig ng Senado ay may bigat ito kahit kaunti.


Sa ngayon aniya ay wala pa ring pagpapahayag ang kampo ni Quiboloy ng interes na humarap sa pagdinig at inilalarawan pa ng kampo nito na ‘bogus hearing’ ang imbestigasyon ng Senado.

Sakaling magmatigas pa rin si Quiboloy na hindi humarap sa pagdinig sa kabila ng pagpapa-subpoena dito ng Senado ay tiniyak ni Hontiveros na ipapa-cite for contempt at ipaaaresto niya ang naturang pastor.

Facebook Comments