Sen. Hontiveros, umaasang mapipigilan ang pagtakas ni Pastor Apollo Quiboloy sa pag-freeze ng CA sa mga bank account at ari-arian nito

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na tuluyang mapipigilan ang kakayahan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na tumakas sa mga kasong kinakaharap nito.

Kaugnay na rin ito sa freeze order na inilabas ng Court of Appeals (CA) sa bank accounts at properties ni Quiboloy.

Batay sa 48 pahinang resolusyon ng CA, nakasaad na kabilang sa sakop ng freeze order ang sampung bank accounts, pitong real properties, limang sasakyan at isang eroplano ni Quiboloy gayundin ang bank accounts ng KOJC at ng Swara Sug Media Corporation, na siyang nag-o-operate sa Sonshine Media Network International (SMNI).


Inaasahan rin ng senadora na makikipagtulungan ang ating mga lokal na awtoridad sa kanilang mga foreign counterpart para mapigilan ang daloy ng pera sa mga offshore account ni Quiboloy.

Nagpasalamat din ang mambabatas sa anti-money laundering council (AMLC) na siyang naghain ng petisyon ng freeze order.

Facebook Comments