
Pumalag si Senator Risa Hontiveros sa ilang kapwa senador at kongresista na nagtatanggol sa Chinese national na binigyan ng Filipino citizenship na si Wang Li Duan.
Iginigiit ng mga mambabatas na nag-apruba ng naturalization ni Wang na hindi siya konektado sa POGO at walang masamang record.
Batay sa pananaliksik, si Wang ay incorporator ng POGO service provider na Powergate Infinity Holdings at ang mga tauhan nito ay nasangkot sa samu’t saring krimen.
Sinabi ng senadora na nakakaduda na habang pinoproseso ang naturalization ni Wang sa Kongreso ay hindi nito sinabing naging incorporator siya ng isang POGO service provider, hindi rin sinabing junket operator siya sa ngayon at walang lumitaw na kahit ano sa kanyang mga gambling links.
Nababahala si Hontiveros na posibleng may kahina-hinala pang itinatago si Wang at posibleng malalim ang ugnayan nito tulad na lamang ng ginawa ni Guo Hua Ping o dating Mayor Alice Guo.