Sen. Imee, dapat magpaliwnag sa paglilipat ng ₱13-B pondo para sa 4Ps

Humingi ng paliwanag si Deputy Speaker at Quezon 2nd District Representative David “Jay-jay” C. Suarez sa ginawa ni Senadora Imee Marcos na umano’y paglipat ng ₱13 bilyong pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong nakaraang taon.

Para kay Suarez, mainam kung ipapaliwag na mabuti ni Senator Imee kung bakit nito nagawang alisan umano ng ayuda ang halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pilipino na benepisaryo ng 4Ps.

Mensahe ito ni Suarez makaraang aminin umano ni Sen. Marcos ang pagrekomenda na ilipat ang ₱8 bilyong pondo para sa 4Ps sa ibang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gaya ng supplemental feeding, KALAHI-CIDSS, Quick Response Fund for Disasters, at AICS nang talakayin ang panukalang 2023 national budget noong 2022.


Interesado rin si Suarez kung bukod sa 2023 ay ginawa na rin ito ng senadora sa mga nauna pang taon.

Ipinunto ni Suarez na ang 4Ps program ay hindi basta-bastang proyekto ng gobyerno dahil ito ay mayroong batayang batas – ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Act at may may partikular na mga benepisaryo.

Bunsod nito ay sinabi ni Suarez na makabubuti kung gagamitin ng Kamara ang oversight function nito upang silipin ang mga budget realignment.

Facebook Comments