Sen. Imee Marcos at Mayor Baste Duterte, nagkaayos na pero senadora, tumanggi nang magkwento

Tumanggi na si Senator Imee Marcos na magbahagi ng kanilang paguusap ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte matapos na ilabas ng alkalde sa kanyang social media post ang tungkol sa paghingi niya ng tawad matapos na magbitiw ng maaanghang na salita at hilingin ang pagbibitiw ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa Facebook post ni Mayor Baste, nilinaw nito na humingi siya ng tawad dahil naawa siya sa senadora at hindi dahil sa mga sinabi niya sa kapatid ng senadora na si Pangulong Marcos sabay giit na itigil na ang paggamit ni Senator Imee sa kanya.

Pero ayon kay Sen. Marcos, nagkausap na sila ni Mayor Baste at ayos naman na silang dalawa.


Magkagayunman, hindi na aniya siya basta-basta magkukwento bunsod na rin ng nangyayaring kaguluhan sa gobyerno na ang mga nasasabi ay madaling baliin at nabibigyan ng ibang kahulugan.

Naniniwala ang senadora na mayroong gusto na mag-away sila ng Alkalde pero nag-usap na sila ngunit hindi na lamang niya ito ikukwento.

Matatandaang ngayong weekend ay nagtungo ng Davao City si Senator Marcos at ang komite nito sa Senado matapos na magdaos ng pagdinig tungkol sa suhulan sa People’s Initiative at nag-dinner din kasama ang ilang senador at si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments