Sen. Imee Marcos, hinamon si PBBM na patunayang mali ang kanyang mga akusasyon laban sa First Family

Hinamon ni Senator Imee Marcos ang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na patunayang mali ang kanyang mga paratang.

Tugon ito ng Senadora sa pahayag ng Pangulo na nag-aalala na sila ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang ate at umaasa silang gagaling ito sa lalong madaling panahon.

Sa social media post ni Sen. Imee, nakasaad dito na “Bongbong, ako ‘to, kung anu-ano na nakikita mo ading.”

Kasabay nito ang hamon ng senadora sa kapatid na pangulo na patunayan niyang mali siya at gusto niyang mali nga siya.

Kung matatandaan sa kasagsagan ng Iglesia Ni Cristo (INC) rally ay nagsalita si Senadora Imee at sinabi niyang gumagamit umano ng iligal na droga ang Pangulo na mas lumala pa dahil kasama rin sa gumagamit si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Facebook Comments