Sen. Imee Marcos, hindi na raw ang dating kapatid na kilala ni PBBM; matinding pagbabago sa senadora, ikinaaalarma ng pamilya Marcos

Sa unang pagkakataon nagbigay ng maikling reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga pahayag ng kaniyang kapatid na si Sen. Imee Marcos na gumagamit umano sya ng iligal na droga.

Ayon sa pangulo, ayaw sana niyang ilabas ang mga usaping pampamilya, pero matagal na aniya nilang napapansin ang “malaking pagbabago” sa senadora, isang bagay na ikinababahala na raw ng kanilang pamilya at matatalik na kaibigan.

Ang mga nakikita raw ng publiko sa telebisyon ay hindi na ang kapatid na kilala nila noon kaya’t lalo raw silang nag-aalala sa kalagayan ng senadora.

Matatandaang muling umingay ang kontrobersiya nang magsalita si Sen. Imee sa anti-corruption rally ng Iglesia ni Cristo (INC).

Bagama’t hindi na sila nagkakausap, umaasa naman ang pangulo na magiging maayos muli ang kaniyang kapatid.

Facebook Comments