Sen. Imee Marcos, hindi sigurado kung maisasama sa slate ng administrasyon sa pagtakbo nito para sa re-election sa 2025

Hindi pa sigurado si Senator Imee Marcos kung mapapasama siya sa senatorial slate ng administrasyon.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Senator Marcos na tatakbo siya para sa re-election at hindi bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay Marcos, hindi niya matiyak kung kasama ba siya sa listahan ng mga senador na ikakampanya ng administrasyon ng kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Aniya, posibleng umabot pa sa 50 ang kandidato lalo’t napakarami nila mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at LAKAS-CMD.

Hirit na lamang ng senadora, parang basketball ang pulitika sa Pilipinas kaya abangan na lamang ang huling dalawang minuto ng mga posibleng mangyayari pa.

Facebook Comments