Sen. Imee Marcos, iimbestigahan ang Pentagon report na siniraan ng US ang Sinovac ng China

Magpapatawag ng imbestigasyon si Senator Imee Marcos para silipin ang kumpirmadong ulat sa ginawang paninira ng Estados Unidos sa COVID-19 vaccine ng China na Sinovac at pag-target sa lumalawak na impluwensya ng China sa mga Pilipino.

Hindi naitago ni Marcos ang pagkadismaya sa kumpirmadong ulat ng Pentagon dahil buhay ng mga Pilipino ang naisangkalan sa isyung ito na nagresulta sa pagtanggi ng maraming kababayan na maturukan ng Sinovac laban sa virus nong kasagsagan ng pandemya.

Dahil dito, sinabi ng senadora na agad niyang ipasisiyasat ang isyung ito.


Ipinatatakda ni Marcos sa June 24 ang imbestigasyon tungkol sa ginawang ‘secret campaign’ ng US laban sa China.

Umaasa si Marcos na makakahanap siya ng mga testigo para rito lalo’t aminado ang mambabatas na mahirap humanap ng ebidensya sa isyu.

Nanawagan din ang senadora sa Department of Health (DOH) na tulungan ang Mataas na Kapulungan sa nasabing imbestigasyon.

Facebook Comments