Sen. Imee Marcos, itinanggi na nangangalap siya ng pirma ng mga senador para mapatalsik sa pwesto si Senate President Chiz Escudero

Itinanggi ni Senator Imee Marcos na siya ang nangangalap ng lagda sa mga senador para mapalitan bilang Senate Preside si Senator Chiz Escudero.

Ayon kay Imee Marcos, fake news ang nasabing malisyosong impormasyon na lumabas sa isang pahayagan.

Duda ang senadora na nanggaling ang haka-hakang ito sa Kongreso.


Nagtataka rin ang mambabatas kung bakit gagawa ng ganitong kwento laban sa kanya.

Matatandaang kahit si Senator Cynthia Villar ay pinabulaanan din ang isyu at aniya paalis na siya ng Senado at bakit pa siya manggugulo.

Hindi naman na pinatulan ni Escudero ang isyu at aniya’y mananatili lang tsismis ito hanggat hindi naman nangyayari.

Facebook Comments