Wednesday, March 25, 2026

Sen. Imee Marcos, kinalampag ang pamahalaan sa harap ng halos isang buwan nang krisis sa langis

Kinalampag ni Senadora Imee Marcos ang pamahalaan sa kawalan ng malinaw na solusyon sa krisis sa langis.

Ayon sa senadora, halos isang buwan na ang kaguluhan sa Gitnang Silangan pero tila wala pang pakikipagpulong ang pamahalaan sa mga importer, oil refinery, at maging sa mga grupo ng gasolinahan at LPG station.

Sinabi pa ni Marcos na dapat isapubliko ang tunay na lagay ng suplay ng langis para mapagtulungan ang problema.

Aniya, nagpadala na rin ang Brunei ng gasolina sa Davao, pero tila walang ganitong pakikipag-ugnayan ang national government.

Sinabi pa ng senadora na dapat na ring makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga karatig na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Australia , China, India ,Russia, Brunei, Vietnam at Thailand.

Aniya, hindi sapat na magbigay lang ng ayuda ang pamahalaan sa mga apektadong sektor.

Pinakakalampag na rin ng senadora ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine National Oil Company (PNOC) para sa malawakang solusyon at aksyon sa krisis.

Facebook Comments