Kukunsulta muna si Senator Imee Marcos sa Nacionalista Party (NP) tungkol sa kanyang pagiging independent candidate para sa 2025 elections.
Nauna rito ay kinumpirma ni Marcos na umalis siya sa senatorial slate ng administrasyon at mas gustong mag-independent na lamang upang walang panigan na partido o grupo.
Ayon kay Marcos, hindi pa niya alam kung kakailanganin din ba niyang magbitiw bilang myembro ng NP sa plano niyang maging independent sa susunod na eleksyon.
Kung tutuusin aniya, wala siyang problema sa NP subalit kinakailangan lamang niyang maging independent mula sa alyansa ng partido sa administrasyon.
Kung pagbabatayan naman aniya ang rules ng Commission on Elections (COMELEC) hindi naman kasali doon ang alyansa dahil hindi naman ito rehistrado at tanging ilalagay lang sa certificate of nomination and acceptance (CONA) ay iyong partido o kung independent ang kandidato.