
Hinamon ni Senator Imee Marcos ang pamangkin na si House Deputy Majority Leader Sandro Marcos na magpa-hair follicle test silang pamilya.
Kaugnay ito sa naging akusasyon ni Sen. Imee sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos at kay First Lady Liza Araneta-Marcos na gumagamit ng iligal na droga.
Sa social media post ng senadora, sinabi niyang mukhang gustong paingayin ni Cong. Sandro ang usapin na hindi siya tunay na kapatid.
Sa bwelta kasi ni Cong. Sandro, sinabi niya na hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ginawa ni Sen. Marcos at pawang kasinungalingan lamang ang kanyang pahayag na layong guluhin ang administrasyon at maisulong ang ambisyon sa politika.
Dahil dito, iginiit ni Sen. Marcos na isa lamang ang solusyon at ito ay ang magpapa-DNA test siya at magpa-hair follicle test ngayon ang first family para patunayang hindi totoo ang kanyang mga pahayag sa rally ng Iglesia Ni Cristo.









