
Hiniling ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na unahin ang interes ng Pilipinas sa kanyang 3-day official visit sa Estados Unidos.
Apela ni Sen. Marcos kay PBBM, tiyakin na ang kasunduan ay patas at pantay upang makita ng US na tayo ay bansang may sariling dignidad at paninindigan.
Kung ang Senadora ang tatanungin, dapat maitulak ng Presidente ang 10% na taripa o kahit ipantay na lamang sa Indonesia na 19% dahil mukhang mas mataas pa rito ang buwis na gustong ipataw sa bansa.
Marapat lamang na hindi aniya lumagda ang Pangulo sa kahit anong kasunduan na sa huli ay madedehado naman ang sariling bayan kahit pa may kapalit itong ginto, personal na pangako o deklarasyon ng alyansa.
Dagdag pa ng senadora, hindi dapat pumayag ang Pilipinas na magpakontrol sa US partikular sa serbisyo at suplay na tiyak makaaapekto sa sariling domestic economic policies ng bansa.









