Nag-abiso si Senator Imee Marcos sa lahat ng mga Mayor na miyembro ng League of Municipalities in the Philippines – Ilocos Norte Chapter tungkol sa isang emergency meeting.
Batay sa social media post ng Senadora, gaganapin ang pagpupulong sa Bacarra Municipal Hall ngayong araw, Nobyembre 19, sa ganap na alas tres ng hapon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang mga proxies o kinatawan ng mga Mayor sa nasabing pulong, kung saan hindi naman binanggit sa abiso kung ano ang mahalagang usapin na tatalakayin.
Matatandaang nitong Nobyembre 17 lamang nang isinagawa ang pagtitipon ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand, at naglabas ang Senadora ng mabibigat na akusasyon ukol sa umano’y paggamit ng ilegal na droga ng kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Facebook Comments









