Sen. Imee Marcos, nagsalita na tungkol sa mga larawang kumalat kasama si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Binasag na ni Senator Imee Marcos ang kanyang katahimikan tungkol sa larawan na kumakalat online kung saan kasama niya rito si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Paliwanag ni Sen. Marcos, unang beses lang niyang nakita noon ang mayora.

Sumama aniya siya sa DSWD sa Bamban para sa pamamahagi ng tulong at doon niya lang nakita ang alkalde.


Sa social media ay lumabas at nag-viral ang litrato ng senadora kasama si Guo sa loob ng isang sasakyan at ang isa ay sa isang entablado.

Makikita naman na pareho ang kanilang mga suot, ibig sabihin kinunan ito sa iisang araw lamang.

Facebook Comments