Umapela si Senator Imee Marcos sa Department of National Defense (DND) at sa National Security Adviser (NSA) na bigyang linaw ang hiling ng Estados Unidos para sa temporary housing sa Afghans special immigrants.
Partikular na pinalilinaw ni Sen. Marcos kina Defense Secretary Gilbert Teodoro at NSA Adviser Eduardo Año kung tunay na layunin ng U.S. government sa pagsusulong na mabigyan ng matutuluyan sa bansa ang mga Afghans sa halip na sa American mainland o kaya ay sa bansang malapit sa Afghanistan.
Una nang inihain ni Marcos ang Senate Resolution 651 para imbestigahan ang intensyon ng Estados Unidos dahil walang datos na inilalabas sa publiko.
Partikular ding nais malaman ni Marcos ang estado ng mga Afghans kung legitimate refugees o mga empleyado ng U.S. government o American companies.
Giiti ni Marcos, ang kawalan ng transparency ay hindi magandang gawain at hindi makatutulong sa bayan.